Sa araw-araw nating buhay, may iba't ibang tao tayong nakakasalamuha. Isa na rito ang mga kabataan. Sa aming pagmumuni-muni, napansin namin na ibang-iba ang mga katangian ng mga kabataan natin noon at ngayon. Madami ang mga pagbabago na nangyayari sa punto ng mga kabataan. Habang tumatagal naman, ang henerasyon ng mga kabataan ay unti-unti ng nagbabago dahil sa impluwensiya ng teknolohiya.
Ang mga kabataan noon ay mahilig pa sa pagsusulat, nagbibigay telegrama, pero sa pagdating ng teknolohiya ay naging madali ang komunikasyon gamit ang cellphone, laptop at iba pa. Noon, ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan ay paglalaro sa labas at pagaaral. Ngayon, inuuna na ng mga kabataan ang mobile games, social media. Ang mga kabataan ngayon ay talagang hindi nakikinig at hindi na rin nadidisiplina sa mga magulang nila. Kadalasan sa mga kabataan ay hindi na rin nagbabasa ng mga aklat sa kadahilanang may tinatawag tayong E-book o di kaya ay magfacebook na lang at magtwitter.
Maraming mga bata ang naimpluwensiya sa pagkakaroon ng relasyon ng wala pa sa tamang edad. Mas tinutuon pa nila ang pansin sa pakikipagrelasyon kaysa sa pagaatupag ng kanilang kinabukasan. Mas inuuna nila ang paglakwatsa kahit na may mga importante pa silang dapat gawin. Hindi ito katulad ng kabataan noon dahil ang mga magulang noon ay konserbatibo, na dapat magkaiba talaga ang babae at lalaki. Noon din ay konserbatibo sa pananamit ang mga kabataan pero ngayon ay sinusuot na nila batay sa kagustuhan nila. Ang iba naman ay hindi na marunong rumespeto sa kapwa.
Ang kabataan ngayon ay mahirap ng kontrolin dahil ngayon ay mas magagawa nila ang gusto nila kahit pinagbawalan sila sa mga magulang nila. Hindi normal sa mga kabataan noon na lumabas ng malalim ang gabi. Ang kabataan din noon na kapag sasapit na ang gabi, hindi na sila lumalabas dahil pinapagalitan sila. Ngayon, ang ginagawa nila ay tumatakas o nagpapalusot upang makalabas makasama lang ang mga barkada.
Napagtanto naman na maraming masamang naidulot ang pagkakaroon ng internet, social media sites/apps at iba pa. Napakalaki ng kaibahan ng mga kabataan noon at ngayon. Marami at malaki ang nabago sa pangaraw-araw na pamumuhay ng mga kabataan sa henerasyong ito. Kung maaari ay dapat gawan ng paraan na kahit konti lamang, may maibabalik na mga nakagawian noon sa panahong ating kinabibilangan ngayon. Ngunit, hindi natin maikakailang malaki naman ang naitulong ng teknolohiya sa panahon ngayon subalit dapat alamin din ang limitasyon.
Comments
Post a Comment