Sa araw-araw nating buhay, may iba't ibang tao tayong nakakasalamuha. Isa na rito ang mga kabataan. Sa aming pagmumuni-muni, napansin namin na ibang-iba ang mga katangian ng mga kabataan natin noon at ngayon. Madami ang mga pagbabago na nangyayari sa punto ng mga kabataan. Habang tumatagal naman, ang henerasyon ng mga kabataan ay unti-unti ng nagbabago dahil sa impluwensiya ng teknolohiya. Ang mga kabataan noon ay mahilig pa sa pagsusulat, nagbibigay telegrama, pero sa pagdating ng teknolohiya ay naging madali ang komunikasyon gamit ang cellphone, laptop at iba pa. Noon, ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan ay paglalaro sa labas at pagaaral. Ngayon, inuuna na ng mga kabataan ang mobile games, social media. Ang mga kabataan ngayon ay talagang hindi nakikinig at hindi na rin nadidisiplina sa mga magulang nila. Kadalasan sa mga kabataan ay hindi na rin nagbabasa ng mga aklat sa kadahil...